Isang malaking papel na sinulatan ng liham ng mga batang Lumad ang personal nilang ihahatid sa Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng kanyang SONA o State of the Nation Address.
Mahigit dalawampung (20) bata mula sa Lumad communities ang tinipon ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns para sabihin sa Pangulo ang nais nilang marinig sa SONA.
Karamihan sa mga batang Lumad ay nais na tanggalin na ng Pangulo ang Martial Law sa Mindanao.
Nakaapekto anila ito sa kanilang pag-aaral sa Alternative Learning Center for Agriculture and Development o ALCADEV sa Surigao del Sur.
Marami anila sa mga kabataan ang ayaw nang pumasok sa paaralan dahil sa takot sa dami ng sundalong nakapaligid sa kanilang lugar at malimit na paglipad ng mga eroplanong pandigma kahit na gabi.
By Len Aguirre
Photo Credit: ALCADEV Inc / Twitter