Pinahintulutan nang mabakunahan ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11-anyos.
Ito ang kinumpirma ni Food And Drugs Administration (FDA) Director General Dr. Eric Domingo na aprobado na ang emergency use authorization ng pfizer-biontech Covid-19 vaccine o ‘tozinameran’.
Sinabi ni Domingo na ang pfizer vaccine ay may 90% efficacy rate sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11, kung kaya’t risonable umano ang paniniwalang may kakayahan umano itong maiwasan ang Covid-19. —sa panulat ni Mara Valle