Maaaring mapabilang sa vaccination priority group ng gobyerno ang mga batang may comorbidities.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga batang may medical conditions sa puso, baga at iba pang mga sakit ay dapat umanong payagan at maisama sa A3 category.
Ito aniya ay dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.
Ngunit paglilinaw ni Duque, nananatiling prayoridad sa ngayon ang mga nasa eligible groups.
Noong Hunyo ay inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration ang paggamit ng bakuna ng Pfizer at BioNTech sa mga batang edad 12 hanggang 15 taong gulang.
Habang ang Sinovac naman ay naghihintay pa ng pahintulot na magamit ang kanilang bakuna sa mga batang may edad 3 hanggang 17 taong gulang.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico