Umabot na sa mahigit 95% ng mga batang filipino ang nabigyan na ng bakuna kontra polio.
Ito ay batay sa datos ng Department of Health (DOH) kung saan nasa kabuuang 95.4% ang sakop ng kampaniyang “sabayang patak kontra polio” sa buong bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa National Capital Region pa lamang ay umabot na sa 96% ng target ng kagawaran ang nabigyan ng bakuna habang sa Mindanao naman ay may 93.6%.
Kabilang sa unang round ng binigyan ng bakuna ang mga bata sa Metro Manila, at ilang parte ng Mindnao partikular sa Lanao Del Sur, Marawit City, Davao Del Sur at Davao City.
Nakatakda naman sa Novemebr 25, 2019 ang ikalawang round ng polio vaccination program.