Pansamantala munang aalagaan ng DSWD ang mga batang nakita sa isang viral video na naninigarilyo.
Ayon kay acting DSWD Secretary Virginia Orogo, kukunin muna nila ang mga bata hanggang dumating sa puntong handa na ang mga magulang nitong alagaan sila.
Sinabi ni Orogo na hindi naman malinaw sa Republic Act 7610 0 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act kung hanggang kailan dapat alagaan ng estado ang mga batang napabayaan ng kanilang mga magulang.
Ang ginagawa lamang aniya ng social worker ay counseling sa bata at hinihingi nila sa mga magulang na sumulat ng commitment na pro-protektahan nila ang kanilang anak.
Kapag naulit ang insidente, ipinabatid ni Orogo na mapu-puwersa ang DSWD na kunin ang full custody sa mga bata.