Inihayag ng Department of Health (DOH) na mataas ang bilang ng mga batang nasa dalawang taong gulang pababa ang nagkakaroon ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa dalawang taong gulang pababa ang tinatamaan ng virus kung saan pagdating ng 15 hanggang 19 na taong gulang nakikitaan na ng mas mataas na tyansa kumpara sa iba.
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 12,554 na mga babae ang tinamaan ng COVID-19 habang nasa 14,357 naman ang kaso na naitala sa mga lalaki sa ilalim ng 0 to 4 age group.
Samantala, sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto kung bakit mataas ang mga kaso sa mga batang mas bata sa 2.
Magugunitang, pinayagan na ng pamahalaan ang mga batang nasa alimang taong gulang pababa na lumabas ng bahay na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.