Papayagan na ng pamahalaan ang paglabas ng bahay ng mga kabataang nasa edad labing walo pababa.
Kasunod ito ng inilabas na resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) kung saan para lamang ito sa essential travels o may mga mahahalagang lakad at kailangan na may kasamang mga magulang o adult guardian.
Papayagan ding makalabas ang mga bata para sa pag-eehersisyo may comorbidity man ito o wala at kahit na hindi pa bakunado.
Nilinaw naman ng MMC na hindi pa rin papayagan na makapasok sa mga mall at iba pang commercial establishment ang mga menor de edad kung hindi naman importante ang kanilang pupuntahan.—sa panulat ni Angelica Doctolero