Umabot na sa tinatayang 48K bata ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Mary Ann Bunyi, pangulo ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, halos sampung porsyento ng kabuuang kaso ng sakit sa bansa ay mga bata.
Dahil aniya sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 delta variant ay inaasahang madaragdagan ang mga batang magkakasakit.
Bagaman malakas ang resistensya ng mga bata sa COVID-19 at karaniwang nakararanas lamang ng mild symptoms tulad ng lagnat at sipon, maaari namang makaranas ng malalang sintomas ang mga batang may karamdaman.
Kabilang sa mga batang may severe COVID-19 ang mga batang may sakit sa puso, bato, cancer, hika, neurologic disorders, diabetes, obesity o katabaan maging ang mga edad isa pababa. —sa panulat ni Drew Nacino