Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbusisi sa ilang mga batas at regulasyon na may kinalaman sa kapaligiran at yamang kalikasan.
Kabilang dito ang Solid Waste Management Act, Clean Air Act, Clean Water Act, at ilang Mining laws.
Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, mahalagang masilip kung anong pag-amyenda ang maaaring gawin sa mga batas at regulasyong ito para matugunan ang mga depekto upang mas maging responsable ang publiko at iba’t ibang sektor tulad ng mining firms.
Aniya, bagama’t kumikita rito ang gobyerno, kailangan ding balansehin at tiyaking nakasusunod sa itinatakdang batas ang mga kompanya.
Nagbabala naman ang opisyal na hindi sila magdadalawang-isip na maglabas ng Freeze Order laban sa publiko at maging sa mga kompanya na hindi sumusunod sa mga batas pangkalikasan. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)