Ipinag-utos ni US President Joe Biden ang pagpapatigil sa paglalabas ng emergency funds para sa pagpapatayo ng pader sa border ng Amerika at Mexico.
Bahagi ito ng isa sa 15 executive orders na nilagdaan ng bagong pangulo ng Amerika sa kanyang unang araw sa tungkulin.
Ipinag-utos din ni Biden ang pagpapatigil sa konstruksyon ng Mexican border wall para marepaso ang kontrata nito at i-redirect o mailaan sa ibang proyekto ang pondo.
Sa kasalukuyan hindi pa malinaw kung hanggang ilang kilometro ang nakapaloob sa kontrata at kung ano kapurasahan ang maaaring maipagharap sa gobyerno ng Amerika dahil sa pagpapatigil ng proyekto.
Bukod sa Mexican border wall, ilan pa sa mga kautusan ni dating us president donald trump na binawi ni Biden ang muling pagsali ng Estados Unidos sa Paris climate accord at pagpapatigil sa ipinatutupad na travel ban sa ilang Muslim countries.
Nilagdaan din ni Biden ang EO na nag-aatas sa mandatory na pagsusuot ng face masks.