Hindi ikinabahala ni Senador Antonio Trillanes ang mga batikos sa kanyang pagsisiwalat sa nakalipas na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagkakasangkot umano ni Davao City Mayor Paolo Duterte sa kontrobersya sa Bureau of Customs.
Ayon kay Trillanes, mas mahalaga ay narinig ng publiko at nakita ang pag-iwas ni Duterte sa kanyang mga tanong.
Bagaman nakalulungkot anyang hindi naging interesado ang kanyang mga kapwa Senador sa nabunyag noong nakaraang hearing ng kumite, hindi niya kailangang kumbinsihin ang mga kasamahan nyang mambabatas.
Iginiit ni Trillanes na wala siyang magagawa kung hindi sila interesado sa impormasyon na ang anak ng Pangulo ay arkitekto ng iligal na droga sa bansa kahit pa may war on drugs ang gobyerno.
Para sa Senador, nasaksihan ng publiko ang pag-iwas ng Bise Alkalde sa hamon niyang ipakita ang tattoo nito sa likod na umano’y patunay na miyembro siya ng triad at pagpirma sa waiver upang malaman kung totoo o hindi na may daang Milyung Piso silang bank account.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE