Nanawagan ng ceasefire si Senador Sonny Angara hinggil sa mga debate at pagtatalo na may kaugnayan sa Southeast Asian Games.
Ito ay matapos ang kabi-kabilang batikos na natanggap dahil sa umano’y stadium cauldron na nagkakahalaga ng P50-M.
Ayon sa senador, baka makaapekto sa magiging performance ng mga atleta ang kabi-kabilang issue ng pagho-host ng Pilipinas ng naturang sports event.
Samantala, siniguro naman ng senador na dadaan sa masusing pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) ang lahat ng ginastos para sa SEA Games.