Iba’t ibang uri ng mga ipinagbabawal na gamit ang nasamsam ng mga otoridad sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons o NBP.
Ito’y makaraang magsagawa ng Oplan Galugad ang pinagsanib na puwersa ng Bureau of Corrections o BUCOR at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Tumambad sa mga otoridad ang iba’t ibang ipinagbabawal na armas tulad ng ice pick, improvised deadly weapon, wooden knuckle at batuta.
Maliban dito, nasamsam din ng mga otoridad ang iba pang bagay tulad ng drug paraphernalia, cellphones, chargers, personal refrigirator, LCD television at sex toys.
Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang civet cat o musang na siyang pinagmumulan ng kapeng alamid na siyang pinakamahal na kape sa buong mundo.
May pera ring nasabat ang mga otoridad na nagkakahalaga ng P95,000 cash at 45 piraso tig-iisang libong piso.
Inaasahang magtatagal ng maghapon ang ginagawang Oplan Galugad sa lahat ng selda sa loob ng Maximum Security Compound ng Bilibid.
By Jaymark Dagala