Naglabas na ng babala ang Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police laban sa mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Kasunod ito ng mas pinaigting na kampaniya ng pamahalaan kontra sa mga ipinagbabawal na paputok ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon sa PNP, kanselasyon ng prangkisa at pagkakakulong ang posibleng kaharapin ng mga negosyante ng paputok kapag napatunayang nagbebenta sila ng mga ipinagbabawal.
Sa kasalukuyan, tanging mga sparkler at aerial fireworks na lamang ang ibinabenta sa nasabing lugar matapos ang nangyaring malaking sunog kamakailan.
Kabilang mga iligal na paputok na binabantayan ng PNP ay ang piccolo, goodbye Philippines, Ampatuan, Yolanda at iba pa.
Sinimulan na ng PNP ang pag-iinspeksyon nila nuong Biyernes at magpapatupad din sila ng mga biglaang inspeksyon sa lugar sa mga susunod na araw.
By: Jaymark Dagala