Umakyat na sa 13 bayan sa China ang isinailalim sa lockdown dahil sa banta ng novel coronavirus.
Kasabay nito, pinalawak na rin ng mga otoridad ang sinasagawang quarantine sa mga residente sa mga sinarang bayan upang hindi na makapaminsala pa ang naturang sakit.
Kaugnay nito, pinamamadali na rin ang pagtatayo ng ospital kung saan gagamutin ang mga tinamaan ng coronavirus.
Samantala, hindi pa rin nagdedeklara ang World Health Organization (WHO) ng “epidemic of international concern”.
Ito’y sa kabila ng naitalang mahigit 20 kataong nasawi na dahil sa nasabing virus habang daan-daang indibidwal ang kumpirmadong may apektado na rin ng sakit mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.