Nanawagan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na ingatan at pangalagaan ang kani-kanilang mga baybayin.
Ayon kay Agriculture undersecretary at BFAR national director Eduardo Gongona, panahon na para pagtuunan ng ibayong pangangalaga ang mga municipal waters dahil sa nagtataglay ito ng maraming marine resources na maaaring pagkunan ng kabuhayan ng maraming mangingisda.
Kasunod nito, hinimok ni Gongona ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng lokal na pamahalaan, pulisya at DENR para bantayan 24oras ang mga karagatan at inilalatag na rin ang mga guidelines na aaprubahan ng Malacañang.
Ginawa ni Gongona ang pahayag kasunod ng pagsisimula ng Visayan sea seaborne patrol operations noong Mayo a-6 sa Culasi port sa lalawigan ng Antique.