Posibleng mapatawan ng karampatang parusa ang mga benepisyaryo ng subsidy programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na masasangkot sa illegal activities.
Ito ang bagong polisiya ng DSWD na idinagdag sa Memorandum Circular 38 o ang Guidelines on the Commission of Prohibited Acts by Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P)’s Beneficiaries sa panahon ng state of calamity o national emergency kung saan papatawan ng mabigat na parusa ang mga pasaway na beneficiaries.
Sinasabing ginawa ng ahensya ang hakbang matapos makatanggap ng sumbong ukol sa pagkakasangkot umano sa illegal activities ng ilang benepisyaryo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Bagama’t walang partikular na tinukoy ang DSWD kung ano ang maaaring parusang kakaharapin ng mga beneficiaries, ipinaliwanag sa memorandum na sa pamamagitan nito’y mauunawaan ng mga ito na galing sa gobyerno ang perang tinatanggap.