Dapat makatanggap ng parehong mga benepisyo tulad ng mga nagtatrabaho sa opisina ang mga empleyadong naka-work from home kahit nasa ilalim ng alert level 1 ang maraming lugar.
Ito ang binigyang-diin ni Labor Assistant Secretary Tess Cucueco makaraang magbalik na sa onsite-work ang mayorya ng mga manggagawa, lalo sa Metro Manila.
Ayon kay Cucueco, dapat maging patas ang mga employer sa kanilang mga empleyadong nagtatrabaho sa bahay at magkaroon ng kasunduan kapag ginagawa ang alternative work arrangements.
Bagaman maraming lugar na ang nasa ilalim ng alert level 1 at hinihikayat na ang onsite work, nilinaw ng gobyerno na nananatiling opsyonal ang work from home arrangement.