Magagamit na ng mga kwalipikadong Solo Parents simula sa Nobyembre a-1 ang mga benepisyo sa ilalim ng expanded Solo Parent Welfare Act.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, kabilang sa mga maaaring mapakinabangan ng mga benepisyaryo ang iba’t ibang mga diskwento sa gamot, tuition fee, school supplies at iba pa.
Sinabi ng Kalihim na maaaring magamit ang nasabing mg benepisyo basta’t mayroong Solo Parent ID.
Mayroon din aniyang Grievance Commitee o desk kung saan maaaring magreklamo ang mga benepisyaryo.
May mga discounts po iyon for example sa mga bata; mga diaper, gatas.. wala pong VAT, wala pong value added tax, doon naman po sa school supplies may 15% po ‘yon na mga discounts, ganon din po sa mga hospital, may 20% discount po ang solo parents pati po mga anak nila. Automatic din po na sila ay nagiging miyembro ng PhilHealth kapag sila po ay Solo parent, with Solo-parent ID…’’ -Tinig ni DSWD sec. Erwin tulfo.