Hindi lang masarap pakinggan at matamis sa panlasa pag natikman ang Honey na mula sa nectar o sugary fluid ng halaman na kinokolekta ng honey bees o bubuyog.
Ayon sa mga eksperto, ang Honey ay may taglay na antibacterial, anti-inflammatory at antioxidant properties na nakakapagpagaling ng ubo.
Ginagamit din ang Honey bilang gamot sa sari-saring kondisyon mula sa simpleng pagkauhaw, pagsinok, pagkapagod, pagkahilo at pagkakaroon ng sugat.
Makakatulong din ang Honey sa mga may sakit na hepatitis, eczema, ulcers, constipation, hemorrhoids at worm infestation. —sa panulat ni Airiam Sancho