Kinilala na ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration na nagpapatakbo sa ‘pastillas’ bribery scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakasaad ito sa affidavit ni Immigration Officer 1 Allison Chiong, ang pinagmulan ng video kung saan makikita ang VIP treatment sa mga Chinese POGO workers na pumapasok sa bansa na binasa sa hearing ng Senate Commmittee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Ang ‘pastillas’ scheme anya ay kontrolado nina Bien Guevarra, Glenn Comia at Den Binsol ng Traffic Control Enforcement Unit na nuoy mga tauhan ni Ports Operation Division Chief Red Mariñas.
Ang iba pa anyang sangkot ay sina Totoy Magbuhos, Deon Albao alias Nancy, Paul Borja alias Lisa, Anthony Lopez alias Al at Dennis Robles Dr.
Ayon kay Chiong, sa ngayon ay nasa 10% lamang ng Immigration officers ang hindi sangkot sa ‘pastillas’ scheme —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).