Inaasahang lolobo pa sa 20,000 hanggang 30,000 katao ang bibisita sa Pasig City Cemetery ngayong araw.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng sementeryo na bawal na ang pagdadala ng mga panglinis para sa mga puntod at ipinagbabawal rin ang matutulis na bagay at pagdala ng alak.
Maliban dito, hindi maaaring magtinda at mag-iwan ng mga basura sa loob ng naturang sementeryo.
Samantala, bukas naman ito mula ala-6 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi bukas, November 2.
Bagama’t pinapayagang makapasok kahit unvaccinated ang mga indibidwal sa sementeryo, mahigpit ang panuntunan nila sa pagsusuot ng face mask habang nasa loob.