Kabuuang 832 special permits ang inisyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus upang matugunan ang mga pasaherong bibiyahe ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na mahigpit nilang ipatutupad ang “Oplan Ligtas Biyahe Semana Santa”.
Siniguro rin aniya nila na ang mga papasadang bus ay pumasa sa road worthiness.
Tiniyak din ni Ginez na ipagpapatuloy nila ang inspeksyon sa mga bus terminal.
“Siguraduhin ang kapakanan at kasiguraduhan ng ating mga bumibiyahe kaya po ang ating road worthiness inspection at of course yung pagsisiguro po natin lahat ng bibiyahe ay authorized at may current registration as well as mga insurance para po masiguro natin ang kapakanan ng ating mamamayan.” Pahayag ni Ginez.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita