Maagang nagpatupad ng pre-emptive evacuation ang mga residente sa Bicol region bilang paghahanda sa pag-landfall ng bagyong tisoy.
Unang nagsilikas ang mga residente ng Naga City, Garchitorena at Caramoan sa Camarines Sur kung saan, nakataas na ang red alert status sa lalawigan.
Mahigpit ding binabantayan ang iba pang lugar sa lalawigan tulad ng Milaor, Iriga, Nabua at Pili kung saan, nagpapatupad na rin ng ‘no sail policy’.
Samantala, aabot sa mahigit 200 mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa hilagang Quezon, Antique at Northern Samar.
Ayon sa NDRRMC, sapat naman ang mga ayudang nakahanda para sa mga maaapektuhan ng bagyo tulad ng family food packs, bigas at iba pa.