Nagsimula nang mamahagi ng bigas ang National Food Authority o NFA sa mga lalawigang naapektuhan ng Super Bagyong Lawin.
Ayon kay NFA OIC Tomas Escarez, aabot sa humigit kumulang Tatlong Libong sako ng bigas ang kanilang ibinigay sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na nakatutok sa relief operations.
Kabilang sa mga tumanggap ng suplay ay ang mga lokal na pamahalaan ng La Union, Tuguegarao, Isabela, Pangasinan, Allapacan sa Nueva Vizcaya, Aurora, Tarlac at Camarines Norte.
Kasunod nito, tiniyak ni Escarez na regular ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang agad matugunan kung magkukulang ang suplay ng bigas na ipinamamahagi sa mga biktima ng kalamidad.
By: Jaymark Dagala