Tinatayang 40 hanggang 50 pa ang bihag ng grupong Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año, 12 sa mga hostage ay nasa loob pa rin ng mga tunnel sa Bato Mosque kung saan narescue si Father Chito Suganob at ang gurong si Lindberg Acopio.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t hindi agad nila inanunsyo ang pagkakasagip kay Suganob dahil nagpapatuloy ang kanilang rescue operations.
Nasa 10 ektarya na lamang ang nalalabing teritoryong hawak sa ngayon ng mga terorista sa Marawi.
Sa kabila nito, tiniyak ni Año na malapit nang mabawi ng militar ang kabuuan ng lungsod mula sa Maute.
Samantala, nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang nakipag-negosasyon para makawala si Father Suganob.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE