Umapela ang mga bihag ng Maute Terrorist Group kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang opensiba ng militar sa Marawi City at lisanin na ng mga sundalo ang Mindanao.
Ito ang inihayag ni Fr. Chito Suganob, Vicar General ng Prelature of St. Mary sa Marawi City na isa sa mahigit dalawangdaan (200) hawak ngayong bihag ng mga terorista.
Sa kumalat na video message ni Fr. Chito, naki-usap ito kay Pangulong Duterte na isipin ang kapakanan nilang mga bihag na ang tanging hangad lamang ay mabuhay pa.
PAKINGGAN: Bahagi ng video message ni Fr. Chito suganob na isa sa mga bihag ngayon ng Maute
Giit pa ni Fr. Chito sa kanyang video message, na dapat ding itigil na ang airstrike ng militar dahil sa wala aniyang mabuting maidudulot ang paggamit ng puwersa lalo’t handang mamatay ang grupo para sa kanilang ipinaglalaban
PAKINGGAN: Bahagi ng video message ni Fr. Chito suganob na isa sa mga bihag ngayon ng Maute