Nakatakda nang simulan Bukas, Sabado ang paglalagay ng bike lanes sa kahabaan ng EDSA.
Kasunod na rin ito nang ginawang pagpupulong nina Transportation Secretary Arthur Tugade at MMDA Chairman Danilo Lim hinggil sa pormal na pagsisimula nang paglalagay ng bike lanes.
Nais kapwa ng dalawang opisyal na mapabilis ang paglalagay ng protected bike lanes lalo nat marami ngayon ang gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho.
Ipinabatid ni Lim na maglalaan sila ng isa punto limang metrong espasyo para sa bikers.