Magsisimula na ngayong araw, Oktubre 15 ang pagpapataw ng multa sa lahat ng biker na walang suot na helmet sa Quezon City.
Ito ang paalala ng Quezon City Government alinsunod na rin sa ipinalabas na Ordinance No. SP-2942 na layong matiyak ang kaligtasan ng bawat biker sa naturang lungsod.
Sa ilalim nito, pagmumultahin ng P300 para sa first offense, P500 para sa second offense habang P1,000 naman sa third offense.
Una rito, namahagi na ang lokal na pamahalaan ng bike helmets sa lahat ng bikers na nangangailangan nito.