Engrandeng pagsalubong ang naghihintay sa bagong Binibining Pilipinas Universe sa Bicol partikular sa Camarines Sur.
Ang bente singko (25) anyos na Filipina -British na si Rachel Peters ay tiga Camarines Sur at kasintahan ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Tiwala ang mga Bicolano na maiuuwi rin ni Peters sa hinaharap ang korona bilang Ms. Universe tulad ni Pia Wurtzbach noong 2015.
Maraming Bikolana na rin ang kinilala sa angkin nilang kagandahan at talino tulad nina Miss Universe 1999 First Runner Up Miriam Quiambao, Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, Miss Universe 2010 4th Runner Up Venus Raj, Miss Supranational 2014 Yvette Marie Santiago, Bb. Pilipinas Interncontinental Christi Lynn Mcgarry, at Miss International 2009 Bea Rose Santiago.
By Len Aguirre
Photo Credit: Rachel Peters Instagram