Aabot sa halos P8-M, ang halaga ng tulong na ipinamahagi ng Office of the Press Secretary (OPS) para sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang bagyo sa Capiz.
Sa datos ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), pumalo sa 106,573 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Paeng sa nabanggit na lugar.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang OPS kung saan, namahagi sila ng relief packs at iba pang tulong sa mga residente.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang OPS sa DSWD at lokal na pamahalaan, para sa karagdagang relief goods at tulong pinansyal sa pagpapaayos ng mga nawasak na tahanan maging ang pagpapalibing ng mga nasawi dulot ng Bagyong Paeng.