Nasa 111,000 katao o nasa 30,000 pamilya ang nananatili pa rin sa 900 evacuation center sa anim na rehiyon, isang buwan matapos ang paghagupit ng bagyong Odette.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga evacuation center ay matatagpuan sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at CARAGA.
Tinaya naman ng DSWD sa 11,000 pamilya o halos 40,000 katao pa ang nanunuluyan sa kanilang kaanak o kaibigan sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at CARAGA.
Sa kabuuan, umakyat na sa 2.5 milyong pamilya o 8.8 milyong katao na ang naapektuhan ng bagyo sa mga nabanggit na rehiyon.