Tatlong biktima ng human trafficking sa Zamboanga Peninsula ang nabigyan ng kabuhayan starter kits mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang livelihood support ay binubuo ng mga grocery items at sako ng bigas na magagamit ng mga benepisyaryo sa pagsisimula ng maliit na tindahan o sari-sari store.
Sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program ng nasabing livelihood katuwang ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa Region 9.
Samantala, umaasa si DOLE Secretary Silvestre Bello, III, na ang tulong pangkabuhayan na ibinigay ng departamento ay makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang sinisikap nilang muling buuin ang kanilang buhay. —sa panulat ni Kim Gomez