Patuloy ang pagtaas ng bilang ng biktima ng ligaw na bala habang papalapit ang Bagong Taon.
Sa tala ng Philippine National Police (PNP), anim (6) na insidente ng stray bullet ang naitala sa iba’t ibang lugar sa bansa na nagdulot naman ng pagkasugat ng 5 katao.
Isa sa mga ito ang naitala sa Novaliches, Quezon City kung saan pumasok sa loob ng bahay ang bala ngunit masuwerteng walang tinamaan.
Unang naitala ng biktima ng lugaw na bala ang 3-taong gulang na bata mula sa Zamboanga del Norte.
Iwas paputok
Umabot na sa higit kalahating milyong piso ang halaga ng nakumpiskang iligal na paputok ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa pinakabagong report ng PNP sa kanilang Iwas Paputok/Disgrasya 2015, nasa P603,681 pesos ang halaga ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na paputok.
Kabilang dito ang lolo thunder, atomic, big triangulo, super lolo, goodbye philippines, watusi, picollo, pillbox, boga, mother rockets at iba pa.
Pito naman ang naitalang sugatan dahil sa iligal na paputok.
Habang 27 na ang naitatalang insidente ng PNP na kaugnay sa paggamit, pagbenta at pagtatago ng mga ipinagbabawal na paputok.
By Rianne Briones | Jonathan Andal