Inihayag Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng maglaro sa mula 5,000 hanggang 10,000 pesos ang tulong-pinansyal na matatanggap ng mga biktima ng lindol sa Abra.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay nagpalabas na ang ahensya ng sampung milyong piso para sa mga nasalanta ng pagyanig.
Mababatid na magnitude 7.0 ang lindol na yumanig sa abra kung saan nadamay pa ang mga karatig lalawigan at naramdaman din ang pag-uga sa Metro Manila.