Muli pa ring nadagdagan ang bilang ng mga naputukan ilang araw matapos ang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 340 ang naitalang fire cracker related incident matapos na madagdag dito ang 52 biktima ng paputok.
Nagtamo ng blast burn ang 245 sa mga biktima, 82 ang nagkaroon ng eye injuries habang 14 naman sa mga biktima ang kinailangang putulan ng bahagi ng katawan.
Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito ng 5% kung ikukumpara sa kaparehong petsa nuong nakalipas na taon.
Karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay mula sa Metro Manila, Region 6, Region 1, at CALABARZON.