Nakalaya ang pangunahing suspek sa rent-sangla scam na si Rafaela Anunciacion matapos makapagpiyansa ng apatnapung libong piso (P40,000) sa kasong estafa na kaniyang kinahaharap.
Nabatid mula sa BJMP o Bureau of Jail Management and Penology na agad nakakuha ng release order mula sa korte si Anunciacion, dahilan upang palayain nila ito.
Dismyado naman ang mga biktima ng rent-sangla scam nang mabalitaang nakalaya nga si Anunciacion.
Bagama’t non-bailable ang isinampang large scale estafa laban kay Anunciacion, walang ipinalabas na bagong arrest warrant ang korte sa Laguna na siyang may hawak sa kaso.
By Jaymark Dagala