Nanawagan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga biktima ng scam na nais makapagtrabaho sa Canada.
Ayon sa mga biktima, dapat na maimbestigahan ang bagong modus online na gumagamit ng pangalan ng lehitimong recruitment company at maniningil ng P3-K bayad via Digital Payment System.
Ayon kay Atty. Buddy Javier, CEO ng Jej International, may mga taong nagpunta sa kanilang tanggapan kung saan, kanilang napag-alaman na may gumagamit umano sa pangalan ng kanilang kumpaniya para makapangloko.
Itinanggi ng Jej International at ipinaliwanag na wala silang itinakdang training at wala rin silang trabaho na iniaalok para sa Canada.
Dahil dito, nagpaalala ang mga otoridad sa mga nais magtrabaho sa abroad na alaming mabuti kung lehitimo ang mga nakakausap online maging ang inaaplayang trabaho; huwag din magbabayad online at laging humingi ng resibo. —sa panulat ni Angelica Doctolero