Hinikayat ng Malacañang ang mga umano’y biktima ng “sex for pass” scheme ng mga pulis na lumutang at ikanta ang mga salarin.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang panawagan sa gitna na rin ng alegasyon laban sa ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) pero wala namang nagreklamo laban sa mga ito.
Una nang nabunyag na nagbibigay ng quarantine pass ang ilang pulis na nakatalaga sa quarantine checkpoints kapalit ng pakikipagtalik sa mga ito.
Giit ni Roque, dapat lumutang ang mga biktima at magreklamo sa Women and Children Protection Office ng PNP.