Nakilala na lahat ang 129 na namatay sa madugong terror attack sa Paris.
Kinumpirma ito ng kalatas na ipinalabas ng French government.
Nakasaad sa statement na mayroon pang 221 na katao ang kasalukuyang nasa pagamutan habang ang ilan ay seryosong sugatan.
Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagtugis ng mga otoridad sa mga suspek na gumawa ng nasabing terorismo.
By Mariboy Ysibido