Hawak na ng NBI-Manila sa Taft Avenue ang apat pang bilanggo na posibleng may kinalaman sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Kabilang sa dumating sa NBI headquarters mula sa Bureau of Corrections ang tatlong mayor ng mga gang at druglord na si German Agojo mula sa New Bilibid Prison, Muntinlupa.
Kinumpirma rin ni Justice Secretary Boying Remulla na kasama sa nauna nang itinurn-over sa kanila ang mga presong sina Christopher Bacoto at Jose Palana Villamor.
Gayunman, hindi pa malinaw kung magiging testigo ang anim sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Ka Percy.
Binigyan na ng clearance ng Department of Justice ang n.b.i. na kunan ng salaysay ang anim na persons deprived of liberty hinggil sa nalalaman nila sa pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor.
Inaasahan na sisimulan ang interview sa mga bilanggo ngayong umaga upang magawan sila ng mga sinumpaang salaysay. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)