Pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema sa bisa ng Temporary Restraining Order o TRO ang naging kautusan ng Commission on Elections o COMELEC.
May kaugnayan ito sa pagbibigay kalayaan sa mga bilanggo na makaboto para sa lokal na kandidato sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, hindi naman kasi lahat ng mga bilanggo ay botante sa lugar kung saan sila nakapiit.
Dahil dito, binigyang diin ni Atty. Te na bagama’t binibigyang kalayaan ang mga bilanggo na makaboto, sinabi nito na iyon ay limitado lamang aniya para sa pambansang pusisyon.
Ibig sabihin, tanging ang mga kandidato lamang mula pangulo hanggang partylist lamang ang maaaring iboto ng mga nasa bilangguan.
By Jaymark Dagala