Inirolyo o itinupi muna pansamantala ang mga billboard sa North Luzon Expressway (NLEX) bilang paghahanda sa pananalasa ng Bagyong ‘Tisoy’.
Nag-ikot ang mga tauhan ng Office of the Building Officials ng Valenzuela City Hall SA NLEX para tiyaking sumunod ang lahat sa utos na magrolyo ng billboard.
Una nang nagpalabas ng memorandum ang city government para sa pagrorolyo ng billboards.
Samantala, sa kahabaan ng C5, EDSA at iba pang bahagi ng Metro Manila, pawang nakarolyo na rin ang mga billboard.