Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga ibinibentang pekeng gamot sa mga Online Shopping platform.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, maaaring magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ang mga naglipanang pekeng gamot.
Dagdag pa ni Vergeire, na posible pang lumalala ang sakit at magkaroon ng masamang reaksyon o komplikasyon sa katawan.
Samantala, sa datos ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, umabot na sa P53M halaga ng pekeng Covid-19 test kits ang nakumpiska mula noong 2020. —sa panulat ni Jenn Patrolla