Patuloy na mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na binihag ang walong tripulante ng isang oil tanker sa isang pantalan sa Cameroon.
Una nang napaulat na dinukot ng mga armadong kalalakihan ang walong crew member ng Greek – flagged oil tanker na Happy Lady habang nakadaong.
Ayon sa DFA, nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad sa naturang bansa para masigurong kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong seafarers.
Noong November 2019, dalawang marino sa isa pang Greek – flagged ship ang dinukot sa Tango ngunit bago ito siyam na Pilipinong sea fearer ang dinukot naman sa Benin, West Africa.