Kakasuhan ng kriminal ng NBI ang mga bangko at iba pang financial facility na ibinuking ni self confessed drug lord Kerwin Espinosa na dawit sa illegal drug operations sa Bureau Of Corrections.
Sinasabing kasama rin sa kaso ang paglabag sa anti money laundering act of 2021 kung saan milyong piso ang hinihinalang galing sa illegal drug trade ng mga convicted drug lord ang pumasok sa bangko at hindi pinansin ng mga management nito.
Dawit din sa kaso ang ilang indibidwal na ini uugnay ni Espinosa sa drug trade bagamat mayroon pang ibang hindi nakasama sa mga kakasuhan dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Magugunitang 2016 nang tumestigo sa senador si Espinosa at pinangalanan ang mga source ng iligal na droga na karamihan ay convicted drug lord at nakakulong sa national penitentiary.