Kanselado na ang lahat ng mga biyahe ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa ibayong dagat para sa taong 2018.
Ito ang kinumpirma ni Andanar makaraang ipag–utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawal na ang junket o biyahe sa ibayong dagat ng lahat ng mga kawani mula sa sangay ng ehekutibo.
Ayon kay Andanar, agad niyang kinansela ang lahat ng kanyang mga biyahe matapos marinig mismo mula sa Pangulo ang nasabing anunsyo bilang pagtalima rito.
Nagpa – abiso na rin aniya siya sa mga nagpadala ng mga imbitasyon sa kanya hinggil sa hindi niya pagdalo.
Gayundin, pinadalhan niya ang mga ito ng kopya ng naging kautusan ng Punong Ehekutibo.