Kinansela ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang biyahe sa ilang pantalan dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Karding, na may international name na “Noru.”
Batay sa abiso ng PPA, mananatili ang suspensyon ng mga biyahe ng pasahero hanggang maalis ang storm signals sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa apektadong pantalan ang mga sumusunod:
• NORTH HARBOR
• SOUTH HARBOR
• BATANGAS PORT
• PORT MANAGEMENT OFFICE O PMO MINDORO
• PMO MARINDUQUE / QUEZON
• PMO MASBATE
• PMO BICOL
• OZAMIZ (MANILA-BOUND)
• PORT OF DUMAGUETE
• PORT OF ZAMBOANGA DEL NORTE