Nilinaw ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tanging sa mga lalawigan na apektado ng bagyong Vinta lamang suspendido ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan.
Ito’y ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada batay na rin sa natatanggap nilang update mula sa PAGASA hinggil sa galaw ng bagyong Vinta.
Bagama’t walang babala ng bagyo sa mga lalawigan ng Samar at Leyte, sinabi ni Lizada na ipatitigil nila kung kinakailangan ang biyahe ruon alinsunod sa rekumendasyong ibibigay sa kanila ng PAGASA.