Marami na ang bumabyahe sa iba’t-ibang tourist destination sa bansa sa gitna na muling pagbukas ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.
Ito ang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Puyat sa panayam ng DWIZ, aniya, ito’y dahil sa pagsisikap ng ahensya na gawing mabilis ang mga nakalatag na requirements para makabiyahe ngayong new normal.
Ani Puyat, noong unang pahintulutan ng pamahalaan ang pagbiyahe sa iba’t-ibang lugar sa bansa, takot aniya ang publiko na bumyahe dahil sa mahal na gastusin dahil sa RT-PCR testing at iba pang kakailanganing dokumento.
Sa katunayan, ani Puyat, nagbigay ng diskwento ang Tourism Department ng aabot sa 50%, kaya mas naging magaan sa bulsa ng mga byahero ang gastusin sa RT-PCR gaya sa Philippine General Hospital (PGH) na ngayo’y P900 na lamang na dati’y P1,800.
Sa huli, ani Puyat, ang muling pagbangon ng turismo ay magandang sensyales din sa mga nagtatrabaho sa naturang sektor para manumbalik ang kanilang mga kabuhayan. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882